Thursday, May 5, 2011

Wind Beneath My Wings....

I want to take this opportunity to say a BIG THANK YOU to my Mom. I dedicate this song for you on this very special day. Happy Mother’s Days Mama:) XoXo

 Isa ako sa mga anak ng OFW at isa na rin naman ako ngaun and I’m proud of my mom na napagtapos nya kami sa magandang Unibersidad. Sa tulong ng aming Mama at Tatay naitaguyod kaming tatlong magkakapatid. Di matatawaran ang pawis, pagod at lahat ng mga sakripisyo ng aking Mama. We cannot thank you enough for everything you’ve done.  Isa ka sa mga naging inspirasyon at lakas ko sa bawat hamon ng buhay. Nawalay ka man sa amin ng matagal, di mo man nasubaybayan ang paglaki at pagdadalaga namin di namin pinagsisihan dahil napalaki naman kami ng maayos nila lolo at lola. Salamat Mama at sa bawat importanteng araw ng buhay namin di ka man kapiling ng personal ipinadama mo pa rin ang iyong pagmamahal at suporta sa amin. Kahit di pa uso noon ang emails noon, palagi kang may snail mail, greeting cards sa bawat mahalagang okasyon ng aming buhay, voice tapes para lang di namin mamiss ang boses mo at tawag every weekend. Ngaun naiintindihan ko na kung gaano kalaki ang hirap mo na magtrabaho sa ibayong lugar. Thank you for your unconditional love for us. Malayo man ako sa piling nyong lahat always remember na mahal na mahal ko kayong lahat. You’re always be my no. 1 idol and the QUEEN of my heart. We are so blessed for having you as our mother. I love you so much Momsky! Supadupah miss ko na kayong lahat! See yah on May 30.
Maraming salamat din sa aking Lilang (Lola) sa pag-aalaga sa amin mula bata pa kami. Agyaman kam amin. At syempre kay Auntie Maya na naging bahagi din kung san man kami nakarating sa kinalalagyan namin ngaun. Maligayang araw ng mga ina lola at Auntie at sa lahat ng ina sa buong mundo. Mabuhay kayong lahat!:)
Happy Mother's Day Mom:)

No comments:

Post a Comment